dzme1530.ph

MARIKINA ANIMAL RESCUE AND SHELTER, BINUKSAN NG MARIKINA LGU

Loading

Binuksan ng Marikina City Government ang Marikina Animal Rescue and Shelter para magsilbing pansamantalang tahanan ng mga nailigtas na aso at pusa, at magbibigay ng wastong pangangalaga at proteksyon sa mga hayop.
 
Ayon kay Mayor Maan Teodoro, sa naturang pasilidad mabibigyan ng kalinga, pagkain, at kinakailangang atensyon ang mga nasagip na hayop habang naghihintay ng kanilang adoption.
 
Ang shelter na pet project ni Teodoro ay matatagpuan sa Gil Fernando Avenue, sa tapat ng Marikina City Engineering Warehouse sa Barangay Sto. Niño.
 
Maaari ring makakuha ang mga residente ng veterinary services sa pasilidad, gaya ng libreng anti-rabies vaccination araw-araw, at veterinary check-up para sa mga alagang hayop.
 
Kasabay ng pagbubukas ng shelter kahapon ay ang pagdiriwang ng Feast of St. Francis of Assisi – ang patron ng mga hayop, bilang bahagi ng Paws & Friends Festival ng lungsod.
 
Isinabay ito sa Pawntastic Marikina Car-Free Sunday, kung saan itinampok ang community pet walk, libreng anti-rabies vaccination, at pet blessing.

About The Author