![]()
Itinutulak ni Sen. Bam Aquino ang pagtanggal sa Value-Added Tax (VAT) at excise tax sa mga produktong petrolyo sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike.
Kasabay ito ng paalala ni Aquino sa pamahalaan na maaaring alisin ang mga naturang buwis.
Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, may probisyon ang batas na automatic ang suspension ng excise taxes sa petroleum products kapag lumagpas sa 80 dollars per barrel ang presyo ng krudo sa world market sa loob ng tatlong buwan.
Binigyang-diin ni Aquino na malaking tulong ang magiging suspension ng excise tax sa langis, lalo’t sumasabay din sa pagtaas ang presyo ng ibang bilihin tuwing magkakaroon ng oil price hike.
Sang-ayon din si Sen. Lito Lapid na napapanahon na ang pagtanggal ng excise tax sa langis.
Batay aniya sa inakda niyang Republic Act 12316, may kapangyarihan ang Pangulo na suspindihin o babaan ang excise tax sa fuel kapag lumampas ang presyo nito sa 80 dollars kada bariles.
