dzme1530.ph

62-DAY TRIAL PROPOSAL NG HOUSE PROSECUTION TEAM, CEILING LAMANG AT HINDI TARGET

Loading

Binigyang-linaw ni Manila Rep. Joel Chua, isa sa 11-member House Prosecution Team, na ang “62-day trial proposal” ay isa lamang ceiling at hindi target.
 
Nakapaloob sa pre-trial conference (PTC) ng prosekusyon na 62 araw ang maximum time na kailangan nila para makumpleto ang presentasyon ng mga ebidensya at testigo laban kay VP Sara Duterte.
 
Taliwas ito sa hinihingi ng defense team na 30 araw lamang.
 
Paglilinaw ni Chua, hindi nila hangad na pahabain ang paglilitis, kundi ibinase lamang nila ito sa dami ng mga ebidensya at testigong ipiprisinta sa impeachment court.
 
Sa Article 1 pa lamang o ang misuse of confidential funds, may mahigit 4,000 dokumento na mangangailangan ng lima hanggang 10 araw para maiprisinta.
 
Tahasan sinabi ni Chua na may posibilidad na hindi na rin nila iprisinta ang lahat ng apat na articles of impeachment kung makikita nila na sapat na ang mga ebidensya para ma-convict si VP Sara.
 
Una nang inakusahan ang prosecution team na hangad lamang nilang i-prolong ang proseso upang masira pa lalo sa politika si VP Duterte.

About The Author