dzme1530.ph

Latest News

Isa sa mga suspek sa pagkawala ng Beauty Queen, sumuko sa mga Pulis sa Batangas

Loading

Sumuko sa mga Pulis sa Balayan, Batangas ang isa sa mga suspek sa pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon noong Oktubre ng nakaraang taon. Sinabi ng Police Region 4A (PRO-4A), nagtungo ang 33-anyos na suspek si Jeffrey Magpantay sa Police Station, kasama ang kanyang live-in partner. Si Magpantay ang driver ng pangunahing suspek […]

Isa sa mga suspek sa pagkawala ng Beauty Queen, sumuko sa mga Pulis sa Batangas Read More »

Apela para sa kaso ni Mary Jane Veloso na nasa death row sa Indonesia, binuhay ng pamahalaan

Loading

Binuhay ng Pilipinas ang apela na pagkalooban ng clemency ang Overseas Filipino Worker na si Mary Jane Veloso na nasa death row sa Indonesia bunsod ng Drug Trafficking. Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, binanggit niya ang kaso ni Veloso sa kanyang Indonesian counterpart na si Retno Marsudi na nasa bansa para sa 7th

Apela para sa kaso ni Mary Jane Veloso na nasa death row sa Indonesia, binuhay ng pamahalaan Read More »

Lahat ng plano para sa Traslacion 2024, naisakatuparan, ayon sa Quaipo Church

Loading

Walang naiulat na krimen sa dinaanang mga lugar ng traslacion, ayon sa Philippine National Police. Sinabi ni Manila Police District (MPD) Deputy Director for Operations, Police Colonel Roderico Roy Jr., na mas masunurin ang mga deboto ngayon dahil mas marami ang idineploy na mga Pulis. Sa bahagi naman ni Quiapo Church Spokesperson, Father Hans Magdurulang,

Lahat ng plano para sa Traslacion 2024, naisakatuparan, ayon sa Quaipo Church Read More »

Mahigit 450 deboto ng Nazareno, nasaktan       

Loading

Kabuuang 453 deboto ng Itim na Nazareno ang naiulat na nasugatan o nasaktan sa ginanap na Traslacion 2024. Sa press conference sa Quiapo Church Command Center, sinabi ni DOH Health Emergency Management Bureau Chief, Dr. Bernadett Velasco na karamihan sa mga nasaktan o nasugatan ay minor lamang. Aniya, mayroon namang siyam sa mga injured na

Mahigit 450 deboto ng Nazareno, nasaktan        Read More »

Mga hibla ng naputol na lubid ng andas, pinagkaguluhan ng mga deboto sa paniniwalang may dala itong suwerte

Loading

Pinagpupulot ng mga deboto ang mga hibla ng naputol na lubid ng andas na humihila sa Itim na Nazareno, sa paniniwalang may dala itong suwerte. Sa kasagsagan ng Traslacion kahapon ay naputol ang isa sa dalawang lubid pagliko ng andas sa Arlegui Street at Quezon Boulevard na nagdulot ng komosyon sa lugar. Pinagkaguluhan ng mga

Mga hibla ng naputol na lubid ng andas, pinagkaguluhan ng mga deboto sa paniniwalang may dala itong suwerte Read More »

Imahen ng Itim na Nazareno, naibalik sa Simbahan ng Quiapo matapos ang 15-oras na Traslacion

Loading

Labinlimang oras bago naibalik sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila ang imahen ng Itim na Nazareno matapos ang prusisyon na dinaluhan ng tinatayang 6.5 milyong deboto, na isa sa pinakamalaking bulto sa kasaysayan ng taunang kapistahan. Umalis ang Imahen sakay ng andas na may tempered glass sa Quirino Grandstand, alas 4:45 ng madaling araw kahapon

Imahen ng Itim na Nazareno, naibalik sa Simbahan ng Quiapo matapos ang 15-oras na Traslacion Read More »

177 police officers, nasampahan ng mga kaso sa NCR kaugnay ng iligal na droga —PBBM

Loading

Ini-ulat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nasa 177 police officers ang nasampahan ng drug-related offenses sa Metro Manila. Ito ay bunga umano ng pinalakas na kampanya laban sa law enforcers na dawit sa kalakalan ng iligal na droga. Ayon sa Pangulo, kabilang sa mga kinahaharap na kaso ng mga Pulis ay may kaugnayan

177 police officers, nasampahan ng mga kaso sa NCR kaugnay ng iligal na droga —PBBM Read More »

PUV modernization program, pinabubusisi sa Senado

Loading

Naghain si Senadora Imee Marcos ng resolusyon para sa isang senate inquiry kaugnay sa pagpapatupad ng public utility vehicle (PUV) modernization program. Sa senate resolution 893 ng senadora, iginiit nitong kailangan ng tama at masusing assessment ng programa. Ayon kay Marcos, hindi kakayanin ng bansa na magkaroon ng traportation crisis, lalo na’t bumabangon pa lang

PUV modernization program, pinabubusisi sa Senado Read More »

Chacha, ‘di maituturing na people’s initiative kung may suhulan

Loading

Hindi maaaring tawagin na People’s Initiative ang isinusulong na charter change kung totoo na may binayaran o may naganap na suhulan para sa pangangalap ng mga lagda. Ito ang iginiit ni Senate minority leader Koko Pimentel kasabay ng panawagan na imbestigahan ang napabalitang suhulan sa ilang distrito at siyudad upang maisulong ang petisyon para sa

Chacha, ‘di maituturing na people’s initiative kung may suhulan Read More »