dzme1530.ph

Taal Volcano muling nagbuga ng usok

Nagbuga nanaman ng panibagong usok o phreatic eruptions ang Taal Volcano sa Batangas, kaninang umaga, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Batay sa monitoring ng OCD, na-monitor ang eruption 8:50a.m.hanggang 8:52a.m. at nasundan pa muli ito dakong 9:09a.m., hanggang 9:12a.m.

Samantala, inabisuhan naman ng awtoridad ang mga residente na maging alerto sa mga posibleng mangyari at sumunod sa ilalabas nilang abiso kaugnay sa lagay ng bulking Taal.