dzme1530.ph

National News

Pilipinas, best performing Southeast Asian nation sa Paris Olympics

Loading

Pinuri ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang mga atletang Pinoy matapos manguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia sa 2024 Paris Olympics. Nagtapos ang Pilipinas sa Paris Games nang mayroong dalawang gintong medalya mula sa gymnast na si Carlos Yulo at dalawang bronze medals mula kina Aira Villegas at […]

Pilipinas, best performing Southeast Asian nation sa Paris Olympics Read More »

Mga ahensya ng gobyerno, binigyan na ng go-signal para ibigay ang unang bahagi ng dagdag-sweldo sa gov’t employees

Loading

Binigyan na ng Go-signal ng Dep’t of Budget and Management ang mga ahensya ng pamahalaan para ibigay ang unang bahagi ng dagdag-sweldo sa mga kawani ng gobyerno. Kinumpirma ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na pirmado na ang guidelines para sa salary adjustments. Nakatakda na itong ilathala bukas, kaya’t maaari na ring ipatupad ang taas-sahod. Sinabi

Mga ahensya ng gobyerno, binigyan na ng go-signal para ibigay ang unang bahagi ng dagdag-sweldo sa gov’t employees Read More »

PH athletes, coaches na lumahok sa 2024 Paris Olympics, pinasalamatan ni HS Romualdez

Loading

Sa pagtatapos ng 2024 Paris Olympics, nagpaabot ng pagbati at pasasalamat sa mga atleta at coaches si House Speaker Martin Romualdez. Ayon kay Romualdez, ang two gold at two bronze medals na nakamit ng Philippine team na 37th rank sa pagtatapos ng Olimpiyada ay sumisimbulo sa hindi matatawarang dedikasyon at sakripisyo ng mga atleta. 100-taon

PH athletes, coaches na lumahok sa 2024 Paris Olympics, pinasalamatan ni HS Romualdez Read More »

DOH, hinimok na seryosohin ang pagpuksa sa leptospirosis at iba pang sakit na aktibo ngayon sa bansa

Loading

Hinimok ni Former Health Secretary at ngayon ay House Deputy Majority Leader Janet Garin ang Dep’t of Health na seryosohin ang pagpuksa sa leptospirosis at iba pang naglilitawang sakit. Sa harap ito ng pagdami ng leptospirosis patients sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) kung saan ginamit nang ward ang gymnasium, at San Lazaro Hospital.

DOH, hinimok na seryosohin ang pagpuksa sa leptospirosis at iba pang sakit na aktibo ngayon sa bansa Read More »

International Humanitarian Law Day, ipinagdiriwang ngayong araw

Loading

Ipinagdiriwang ngayong araw, Aug. 12, ang pagkakapasa ng International Humanitarian Law. Sa ilalim ng IHL, papatawan ng karampatang parusa ang sinumang masasangkot sa krimen gaya ng genocide, war crimes gayundin ang crimes against humanity. Naipasa ang nasabing batas ng European Union na inadopt sa Pilipinas, salig sa Republic Act 9851 noong 2009, na nagtataguyod sa

International Humanitarian Law Day, ipinagdiriwang ngayong araw Read More »

Holidays, ‘di babawasan pero ‘di na daragdagan — Senate President Escudero

Loading

Nilinaw ni Senate President Francis Escudero na hindi nila babawasan bagkus wala na silang balak dagdagan pa ang mga national holiday sa bansa. Sinabi ni Escudero na sa kasalukuyang kung susumahin ay halos nasa isang buwan ang holidays sa bansa na nakaaapekto sa mga gastusin ng employers. Ipinaliwanag ni Escudero na ang polisiya nila ngayon

Holidays, ‘di babawasan pero ‘di na daragdagan — Senate President Escudero Read More »

Panghaharas ng China sa air patrols ng PH Air Force sa Bajo de Masinloc, kinondena ng Pangulo

Loading

Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panghaharas ng China sa Philippine Air Force sa Bajo de Masinloc. Ayon sa Malacañang, ang mga aksyon ng People’s Liberation Army – Air Force ay unjustified o walang katanggap-tanggap na paliwanag, iligal, at reckless o walang pag-iingat. Nakababahala rin umano na sa harap ng pagsusumikap na maresolba ang

Panghaharas ng China sa air patrols ng PH Air Force sa Bajo de Masinloc, kinondena ng Pangulo Read More »

PNP, ilulunsad ang bagong istratehiya kontra iligal na droga

Loading

Panibagong “recalibrated approach” o bagong istratehiya sa kampanya kontra iligal na droga ang ilulunsad ng Philippine National Police. Sinabi ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, layunin nitong iprayoridad ang source ng droga kaysa sa mga street level pusher at users. Aniya, mas mare-resolba ang problema kung puputululin ang ugat nito at sa ganitong paraan,

PNP, ilulunsad ang bagong istratehiya kontra iligal na droga Read More »

Samu’t saring mga baril, droga na nagkakahalaga ng ₱61-M, nakumpiska ng PCG at PNP sa Allen Port of Samar

Loading

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard K9 Field Operating Unit ng Northern Samar, na nakadiskubre ito ng iligal na droga sa loob ng abandonadong maleta sa FastCat Ferry Terminal, na sakop ng Barangay Kinabranan Zone II, Allen, Northern Samar. Ayon sa PCG naglalaman ito ng siyam na bloke ng tea bag na may 9.695 kilong timbang

Samu’t saring mga baril, droga na nagkakahalaga ng ₱61-M, nakumpiska ng PCG at PNP sa Allen Port of Samar Read More »

PBBM, nagtatag ng Presidential Office for Child Protection

Loading

Itinatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Presidential Office for Child Protection (POCP), sa harap ng tumataas na insidente ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at iba pang panganib sa mga bata sa bansa. Sa Executive Order no. 67, inatasan ang POCP na i-monitor ang mga polisiya at programa ng gobyerno sa pag-protekta

PBBM, nagtatag ng Presidential Office for Child Protection Read More »