Naka-heightened alert mula Abr. 2 hanggang Abr. 10 ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa.
Ayon sa CAAP, alinsunod ito sa direktiba ni DOTr Sec. Jaime Bautista kasabay ng kanilang Oplan-Biyaheng Ayos: Semana Santa.
Nakikipag-ugnayan na rin ang CAAP sa iba’t ibang ahesnya tulad ng PNP Aviation Security Unit, Office of Transport Security (OTS), Department of Tourism, Civil Aeronotics Board at mga Airline Company para maging ligtas ang mga biyahe.
Samantala nakatakda namang mag inspeksyon ang MIAA officials sa mga Airports sa Manila para siguruhin ang kahandaan sa pagdami ng mga pasahero.