dzme1530.ph

HOUSE PANEL, PINAGSUSUMITE ANG JUDICIARY NG LISTAHAN NG ITEMS NA KAILANGAN NG KARAGDAGANG PONDO

Loading

Hiniling ng House Committee on Appropriations sa Supreme Court at sa iba pang mga korte na magsumite ng listahan ng items na nangangailangan ng karagdagang pondo.
 
Sa budget hearing, sinabi ng Judiciary na humihirit sila ng augmentation na 5.344 billion pesos mula sa kanilang original budget proposal na 86.271 billion pesos.
 
Ayon kay Court Administrator Ma. Theresa Gomez-Estoesta, nangangailangan ang Judiciary ng additional funding na 4.541 billion pesos para sa construction ng Halls of Justice sa Cebu City at 500 million pesos para sa Cagayan de Oro City.
 
Aniya, humihirit din sila ng additional 303 million pesos para sa hazard pay ng kanilang mga sheriff.

About The Author