dzme1530.ph

PBBM, tiniyak na patuloy na ia-angat ang AFP bilang world-class force sa pamamagitan ng modernisasyon

Loading

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang patuloy na pag-aangat sa Armed Forces of the Philippines bilang world-class force.

Ayon sa Pangulo, ang transformation o malaking pagbabago sa AFP ay magsisimula sa pagbubuhos ng puhunan sa mga sundalo, specialists, at mga lider.

Kaugnay dito, tiniyak ng Pangulo ang pagpapatuloy ng modernisasyon ng kagamitan at training programs ng militar, na ia-akma sa mga hamon sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Sinabi ng Commander-in-Chief na itatatag ang AFP bilang tagapaghatid ng lakas, alyansa, resilience o katatagan, at technological excellence.

Samantala, pinayuhan din ng Pangulo ang mahigit 600 kadeteng nagtapos sa major services officer candidate course na gamitin ang technical expertise at lideratong naka-dikit sa serbisyo sa harap ng mga nagbabagong banta at sa modern warfare. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author