dzme1530.ph

Brgy. Chairman ng Buli, Muntinlupa City, patay sa pamamaril

Kinondena ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biason ang walang awang pagpatay sa isang Brgy. Chairman ng Brgy. Buli sa lungsod ng Muntinlupa.

Base sa initial report, bandang 10:16 kagabi nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo si Kapitan Ronaldo Loresca sa tapat ng isang tindahan sa M.L. Quezon street.

Ipinag-utos na ni Mayor Biason ang pagre-review ng mga CCTV sa lugar gayundin ang agarang imbestigasyon para matukoy ang mga salarin.

Tiniyak din nito na hindi titigilan ang imbestigasyon hanggat hindi nakakamit ang hustisya para sa biktima at naulilang pamilya nito.

About The Author