dzme1530.ph

BRAIN FREEZE: ANO NGA BA ITO AT PAANO ITO MAIIWASAN?

Loading

Madalas maranasan ng marami, lalo na sa mainit na panahon, ang biglaang sakit ng ulo kapag kumakain o umiinom ng malamig.

 

Ito ang tinatawag na “brain freeze,” o kilala rin sa medikal na terminong “ice cream headache.”

 

Ayon sa mga eksperto, nangyayari ang brain freeze kapag ang malamig na pagkain o inumin ay mabilis na dumaan sa ngala-ngala na nagdudulot ng biglaang pagkipot at paglawak ng mga ugat sa ulo.

 

Dahil dito, nagpapadala ng signal ang mga nerve sa utak na nagreresulta sa matinding sakit ng ulo na karaniwang tumatagal lamang ng ilang segundo hanggang isang minuto.

 

Kahit na masakit, hindi naman ito itinuturing na delikado sa kalusugan.

 

Sa katunayan, kusa rin itong nawawala kapag nag-normal na ang temperatura sa loob ng bibig.

 

Ipinapayo ng mga doktor na para maiwasan ang brain freeze, dapat dahan-dahan ang pagkain ng malamig na pagkain at huwag biglain ang pag-inom ng mga nagyeyelong inumin.

 

Makakatulong din ang pagdikit ng dila sa ngala-ngala upang mabilis na maibalik sa normal ang temperatura nito.

 

Bagama’t karaniwang walang dapat ikabahala, mas mabuting mag-ingat pa rin, lalo na sa mga taong madalas makaranas ng matinding sakit ng ulo.

About The Author