![]()
Nanindigan ang Appeals Chamber ng International Criminal Court na saklaw ng kanilang hurisdiksyon ang kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay makaraang ibasura ang apela ng kampo ng dating Pangulo at pinagtibay ang naunang ruling ng Pre-Trial Chamber.
Sa desisyon, kinatigan ng panel ang ruling na may awtoridad ang ICC na dinggin ang mga sinasabing kasong nangyari sa Pilipinas noong mga panahong miyembro pa ang bansa ng Rome Statute mula November 1, 2011 hanggang March 16, 2019.
Si Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity bunsod ng inilunsad na war against drugs.
Tumiwalag ang Pilipinas sa Rome Statute noong March 17, 2018 at naging epektibo isang taon makalipas ito.
