dzme1530.ph

BOC, nalagpasan ang collection target noong Nobyembre

Nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang collection target para sa buwan ng Nobyembre.

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na nakakolekta sila ng P75.338 billion noong nakaraang buwan.

Mas mataas aniya ito ng 1.5% o sobra ng P1.09 billion mula sa kanilang target na P74.249 billion.

Bunsod nito, umakyat na sa P813.61 billion ang revenues ng BOC simula Enero hanggang Nobyembre.

Mas mataas din ito 2.2% kumpara sa kanilang target na P795.966 billion para sa unang 11-buwan ng 2023. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author