dzme1530.ph

Bay Area Dragon at Barangay Ginebra maglalaban sa Game 7

Hindi pa tapos ang laban, ito ang pinatunayan kagabi ng Bay Area Dragons sa Game 6 ng 2022 PBA Commissioner’s Cup Finals kontra Barangay Ginebra.

Sa score na 87-84, hindi pinayagan ng Bay Dragons na magbunyi ang Barangay Ginebra na maiuwi nang maaga ang kampeonato.

Pinangunahan ng kababalik lamang na si Myles Powell ang Bay Area sa pamamagitan ng kanyang 29 points, seven rebounds at 3 assists.

Nag-ambag din si Hayden Blankey ng 23 points at 7 rebounds, habang si Zhu Song ay nakapagtala ng double-double na 10 points at 10 assists para sa Bay Dragon.

Pinangunahan naman ni Justin Brownlee ang gin kings sa kanyang 37 points habang sina Christian Standhardinger at Japeth Aguilar ay umiskor ng tig-labindalawang puntos.

Maghaharap sa Game 7 ang dalawang koponan sa Enero 15 sa Philippine Arena.

About The Author