dzme1530.ph

Angela Bassett natalbugan si Dolly De Leon bilang Supporting Actress sa 80th Golden Globe Awards

Bigo si Dolly De Leon na maiuwi ang Supporting Actress Award para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Triangle of Sadness” sa 80th Golden Globe Awards sa Los Angeles, California.

Ang pagkilala ay iginawad sa kapwa nominee ni De Leon na si Angela Bassett para sa pelikulang “Black Panther: Wakanda Forever.”

Si De Leon ang kauna-unahang Filipino na nabigyan ng nominasyon sa prestiyosong Golden Globe Awards.

Siya rin ang kauna-unahang Pinoy na nanalo ng Best Supporting Performer Award sa Los Angeles Film Critics Association.

Personal niyang tatanggapin ang award sa Enero 14, sa Los Angeles.

About The Author