DZME1530

BOC, malalampasan ang full-year collection target ngayong 2023

Kumpiyansa ang Bureau Of Customs (BOC) na malalagpasan nila ang kanilang full-year collection target ngayong taong 2023.

Ayon kay BOC Spokesperson at Customs Operations Chief Arnaldo Dela Torre Jr. itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang collection target na ₱901.337 bilyon para sa BOC ngayong taon.

Sinabi ni Dela Torre na gaya noong nakaraang taon ay muli nilang malalagpasan ang kanilang collection target.

Nobyembre pa lamang ng 2022 ay nahigitan na ng BOC ang kanilang Full year target na ₱721.52 bilyon, ng 23.98 bilyon o 3.27% matapos makakolekta ng ₱745.50 bilyon.

Ibinida rin ni Dela Torre na lahat ng 17 Districts ng BOC ay naabot ang kani-kanilang Collection Targets.

About The Author