“Love knows no age.”
Ito ang pinatunayan ng 80-anyos na si Batangas Governor Hermilando Mandanas at 32-anyos na abogada na si Angelica Chua.
Sina Mandanas at Chua ay ikinasal nitong Miyerkules sa Minor Basilica and Parish of the Immaculate Conception sa Batangas City.
Kabilang sa mga dumalo sa kanilang kasal sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Pangulong Gloria Arroyo.
Mayo 2022 nang pumanaw ang maybahay ng gobernador na Regina Reyes Mandanas na nominee noon ng AnaKalusugan Partylist.