DZME1530

Barangay Ginebra, panalo sa Game 7 ng PBA Commissioner’s Cup.

Dinurog ng Barangay Ginebra San Miguel ang Bay Area Dragons sa Winner-Take-all Game 7 sa score na 114-99, para masungkit ang 2022 PBA Commissioner’s Cup Title, kagabi, sa Philippine Arena sa Bulacan.

Sa ikalawang quarter ay umalagwa na ang Gin Kings at tinambakan ang Dragons sa score na 34-18 at nagtapos ang first half sa score na 61-39.

Umiskor si Justin Brownlee ng 34 points, 8 rebounds at 12 assists habang nag-ambag si Jamie Malonzo ng 22 points para masungkit ng Barangay Ginebra ang kampeonato sa harap ng record crowd na 54,589.

Ito na ang 15th Title Overall ng Ginebra habang pang-dalawampu’t limang championship ni Tim Cone sa kanyang PBA Head Coaching Career.

Itinanghal namang Best Player of the game si Malonzo habang ang finals MVP ay iginawad kay Christian Standhardinger na nakapagtala ng 12 points, 10 rebounds at 6 assists.

About The Author