dzme1530.ph

Bakbakan sa Tawi-Tawi, napalitan na ng pagandahan ng mga resort, ayon sa Pangulo

Pinuri ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Joint Task Force Tawi-Tawi para sa pagkakamit ng kapayapaan sa nasabing lalawigan.

Sa kanyang mensahe sa pag-bisita sa 2nd Marine Brigade, inihayag ng pangulo na kung dati ay bakbakan ang nagaganap sa Tawi-Tawi, ngayon ay napalitan na ito ng pagandahan ng mga resort.

Sa kabila nito, ipina-alala ni Marcos na hindi pa tapos ang misyon at kailangan pa ring labanan ang mga nagtatangkang pabagsakin ang gobyerno.

Tiniyak naman ng Commander-In-Chief na magpapatuloy ang pagtataguyod ng kapayapaan at bibigyang pagkakataon ang mga rebelde na isuko ang mga armas para sa magandang buhay sa halip na magtago sa mga bundok.

About The Author