dzme1530.ph

8k land titles ipinamahagi ni Pangulong Marcos sa South Cotabato, Zamboanga del Norte

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa mahigit 8k Agrarian Reform Beneficiaries sa South Cotabato at Zamboanga del Norte.

Sa isang seremonya na ginanap sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center sa Koronadal City, ipinamahagi ng Pangulo ang mahigit 4,000 Electronic Titles at Certificates of Land Ownership Award sa mga magsasaka mula sa iba’t ibang lalawigan sa SOCCSKSARGEN.

Saklaw nito ang mahigit 5,900 ektarya ng lupa.

Sa sumunod na seremonya sa Zamboanga del Norte Convention and Sports Center sa Dipolog City, ipinamahagi ng Pangulo ang 4,956 Electronic Titles at Certificates of Land Ownership Award na sumasaklaw sa mahigit 7,000 ektarya ng lupang sakahan para sa 4,456 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa Zamboanga Peninsula.

Ibinigay din ang 15.7 million pesos na halaga ng mga makinarya at kagamitan sa tatlumpung ARBs organizations.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulo ang pagsasaayos sa listahan ng mga benepisyaryo ng programang pang-agraryo, at ang pagsusumikap na matapos ang pamamahagi ng lahat ng lupa sa ilalim ng kanyang termino.

About The Author