dzme1530.ph

US FIRST LADY MELANIA TRUMP, BINGYAN NG PINAKAMATAAS NA PAGKILALA SA UKRAINE MATAPOS MAMAGITAN SA OLESHKY CEASEFIRE

Loading

Ipinagkaloob ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang pinakamataas na karangalan ng kanilang bansa para sa kababaihan kay US First Lady Melania Trump.
 
Ayon sa presidential decree, ang Order of Princess Olha, 1st Class, ay in-award kay Melania dahil sa kanyang “significant personal contribution to humanitarian support for Ukraine.”
 
Kasunod ito ng pagtatapos ng ceasefire sa southern region ng Kherson sa Ukraine, kung saan pinahintulutan ang evacuation ng daan-daang katao mula sa Oleshky City na inokupa ng Russia.
 
Nakasad sa statement na ang achievement na ito ay tanda ng unprecedented diplomatic initiative ng isang American First Lady.
 
Kapwa paulit-ulit na pinasalamatan ng Russia at Ukraine si Melania na namagitan sa ceasefire, subalit walang nagdetalye sa uri o lawak ng kanyang naging partisipasyon.

About The Author