dzme1530.ph

4 patay, 3 kritikal sa salpukan ng 2 helicopters sa Australia

Patay ang apat na katao sa salpukan sa ere ng dalawang helicopters sa Gold Coast, Australia.

Ayon sa Queensland Police Service, maaaring nag take-off ang isang helicopter habang papalapag naman ang isa pa na siyang posibleng sanhi ng salpukan.

Bumaligtad ang isa sa mga chopper habang bumagsak din ang isang helicopter malapit sa Sea World Marine Theme Park.

Bukod sa apat na nasawi, tatlong iba pa ang nasugatan na nasa kritikal na kondisyon.

Naglunsad na ng imbestigasyon ang Australian Transport Safety Bureau upang matukoy ang sanhi ng trahedya.

About The Author