dzme1530.ph

Jeremy Renner, kritikal dahil sa Snow Plow Accident

Kritikal ngunit stable ang kondisyon ni Hollywood Actor Jeremy Renner matapos maaksidente habang naglilinis ng snow.

Ayon sa kanyang tagapagsalita, nagtamo ng matinding pinsala si Jeremy dulot ng aksidente sa mismong araw ng Bagong Taon sa Estados Unidos.

Hindi naman ibinahagi kung ano ang eksaktong nangyari sa aksidente, habang mababatid na ang malaking bahagi ng America ay kasalukuyang nakakaranas ng matinding Winter Storm.

Si Renner ay kilala sa pagganap bilang si Hawkeye sa Marvel Cinematic Universe Films.

Nakilala rin siya sa mga pelikulang The Hurt Locker at The Town habang dati na rin siyang nagtungo sa Pilipinas para sa shooting ng The Bourne Legacy.

About The Author