dzme1530.ph

Araw ng Kagitingan, dapat magsilbing paalala sa mga Pinoy ng diwa ng pagkakaisa

Umaasa si Senate Majority Leader Joel Villanueva na magsilbing paalala sa mga Pilipino ang Araw ng Kagitingan para sa diwa ng pagkakaisa

Ito anya ay upang mapagtagumpayan ang mga hamong kinakaharap ng bansa partikular na ang patuloy na aggression ng China at tahasang pagsupil sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Hinimok ni Villanueva ang taumbayan na panatilihin sa puso at isip ang dinanas na hirap at sakripisyo ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Alang-alang na rin aniya ito sa tinatamasang demokrasya ng bansa ngayon.

Kinikilala rin ni Villanueva ang mga manggagawa, OFWs at bawat Pilipino na araw-araw bumabangon, nakikipagsapalaran at nagsasakripisyo para maglingkod sa kanyang kapwa, pamilya at sa bayan.

About The Author