Binuksan ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon at rekomendasyon para sa associate justice position sa Supreme Court.
Inanunsyo ng JBC ang nalalapit na pagbakante sa associate justice post bunsod ng pagreretiro ni Associate Justice Mario Lopez sa June 4, 2025.
Maaring isumite ng mga aplikante ang kanilang requirements sa pamamagitan ng JBC Online registration and application system, hanggang sa March 28, 2025, 4:30 ng hapon.
Ito ang magiging unang appointment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kataas-taasang Hukuman.
Si Lopez ay itinalaga bilang associate justice ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Dec. 13, 2019, kapalit ni dating Associate Justice Francis Jardeleza.