dzme1530.ph

Aplikante ng isang socio-civic group, patay makaraang sumailalim sa Initiation process

16 miyembro ng Socio-Civic Group sa Cavite ang nahaharap sa reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law makaraang isa sa kanilang aplikante ang nasawi matapos umanong sumailalim sa Initiation process.

Na-stroke at nagkaroon ng Hemorrhage ang biktima na kinilalang si Glen Albert Binoya, 47-anyos.

Nangyari ang initiation noon pang Enero subalit nito lamang Marso natukoy ng mga kaanak ang mga personalidad na kanilang kakasuhan.

Kabilang sa tinukoy na respondents sa complaint na inihain sa Imus City Prosecutor’s Office ang mga opisyal at miyembro ng Cavite Samaritans Eagles Club.

About The Author