dzme1530.ph

Amerika, nangangailangan ng higit 300 registered nurse

Nangangailangan ng maraming manggagawang Pilipino ang Amerika.

Ayon sa Industrial Personnel and Management Services (IPAMS), certified licensed agency ng Department of Migrant Workers, mahigit 300 rehistradong nurse na may hindi bababa sa isa (1) taong karanasan ang kanilang hinahanap.

Maaring sumahod ng aabot sa P3 milyon hanggang P5 milyon ang empleyado dagdag pa ang posibilidad na makakuha ng green card o permanent visa at maging residente sa Amerika.

Isinasagawa ng IPAMS ang recruitment sa Aurora Boulevard, Quezon City ngayong araw habang sa June 7 naman nakatakdang buksan ang recruitment sa Tacloban.

About The Author