![]()
Labing-anim na election-related incidents ang naitala sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Police Brig. Gen. Christopher Abecia, kabilang sa kanilang naitala ay shooting, trapping, at explosion incidents.
Batay sa latest count ng Comelec, mayroong apat na nasawi at labinsiyam na nasugatan sa election-related incidents sa BARMM.
Tatlo sa mga nasawi at labinlima mula sa mga nasugatan ay mula sa shootout sa Datu Usman Mampen School Site sa Barangay Bagua 2 sa Cotabato City.
Isa naman ang nasawi at tatlong iba pa ang nasugatan matapos sumiklab ang karahasan sa Pilot Central Elementary School sa Cotabato City nang magkrus ang landas ng mga supporter ng magkalabang partido.
Isa pang lalaki ang nasugatan matapos sumambulat ang bitbit nitong improvised explosive device.
