![]()
Hiniling ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa Trial Chamber III na ipag-utos ang patuloy na detention ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs.
Kasabay ito ng pagbibigay-diin na kailangang maipagpatuloy ang detention upang hindi panghimasukan ng dating Pangulo ang mga testigo.
Sinabi ni Acting Prosecutor Mame Mandiaye na walang naging pagbabago sa sitwasyon ni Duterte na mag-uudyok sa Trial Chamber III upang baguhin ang naunang utos nito na pagpiit sa dating Pangulo.
Samantala, iginiit naman ng depensa sa korte na ang pagkwestyon sa nagpapatuloy na detention kay Duterte ay iniuugnay sa nakabinbin pa rin na pagtukoy sa fitness to stand trial ng former chief executive.
