dzme1530.ph

RUSSIA, TINARGET ANG UKRAINIAN TRAIN ILANG SANDALI MATAPOS UMALIS NG ISTASYON ANG DATING UK PRIME MINISTER AT MATATAAS NA EUROPEAN OFFICIALS

Loading

Tinamaan ng Russian drone ang isang tren malapit sa Ukraine-Poland border ilang sandali matapos dumaan si dating United Kingdom Prime Minister Boris Johnson at top European security officials.

Wala namang naiulat na casualties kasunod ng pag-atake sa Yahodyn na puminsala sa makina ng tren.

Habang nailikas din ang lahat ng mga pasahero, ayon sa Ukrainian authorities.

Si Johnson at iba pang European national security advisers, kabilang si Jonathan Powell ng UK, ay dumaan sa kaparehong linya lulan ng ibang tren habang pabalik na mula sa dinaluhang conference sa Kyiv.

Inamin ng Defence Ministry ng Russia na inatake nila ang “railway infrastructure” sa western Ukraine, subalit sinabi ng state railway company na ang target ng drone ay posibleng ang “diplomat train.”

About The Author