![]()
Lusot na sa third and final reading sa Senado ang Senate Bill 2387 o ang panukalang magtatakda ng termino ng barangay officials at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa limang taon.
Inaprubahan ang panukala sa pamamagitan ng 13 affirmative votes, five negative votes at walang abstention.
Layunin ng Senate Bill 2387 na amyendahan ang Republic Act 12232 upang itaas sa limang taon ang kasalukuyang apat na taong termino ng mga barangay at SK officials.
Nakapaloob din sa panukala na i-adjust ang schedule ng regular barangay at SK elections ng 2nd Monday ng November kada limang taon simula sa November 2028.
Sinabi ni Senador Francis Chiz Escudero, author at sponsor ng panukala, sa pamamagitan ng limang taong termino matitiyak ang tuloy-tuloy na mga programa ng barangay at SK officials bago magpalit ng bagong mga opisyal.
