dzme1530.ph

Alex Gonzaga, nag-sorry sa service crew

Ilang araw matapos mag-viral at umani ng iba’t ibang reaksyon ang online ang video ni Alex Gonzaga kung saan pinahiran nito ng icing ng cake ang isang service crew na kinilalang si Allan Crisostomo.

Personal nagtungo ang aktres sa pinagtratrabauhan ng service crew at personal na humingi ng paumanhin ang aktres.

Sinabi ni Allan Crisostomo na nagtungo sa kanyang trabaho si Alex Gonzaga noong martes para mag-sorry sa ginawa nito sa kanya.

Aniya, nagkuwentuhan sila sandali ni Alex at sinabi niyang okey na silang dalawa.

Lumabas ang statement ng waiter, ilang oras makaraang ihayag ng kampo ng aktres ang panig nito sa pamamagitan ng publicist ng kanilang pamilya na si Peter Ledesma.

Sinabi ni Ledesma na hindi estranghero sa Gonzaga Family ang waiter sa viral video, lalo na kay Mommy Pinty, ina ng aktres dahil regular nilang kinukuha ang serbisyo nito kapag mayroon silang okasyon o family events.

About The Author