Panibagong balasahan na naman ang inaasahan sa Philippine National Police (PNP) para ma-okupahan ang mga pwesto na mababakante ng dalawang matataas na opisyal na nagretiro na sa serbisyo.
Matatandaang nagretiro na si PNP Directorate for Logistics Director Police MGen. Ronaldo Olay, nitong Hunyo 13; at Directorate for Investigation and Detective Management chief Maj. Gen. Eliseo Cruz nitong Hunyo 14.
Si MGen. Olay ay nakilala bilang dating Chief ng Public Information Office at tagapagsalita ng PNP mula Abril hanggang Setyembre 2021.
Habang si MGen. Cruz naman ang namuno sa Special investigation task group 990, na nag-imbestiga sa kontrobersyal na pagkakakarekober ng mahigit P6.7-B halaga ng shabu noong nakaraang taon sa lending shop ni Police Master Sgt. Rodolfo Mayo. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News