dzme1530.ph

Pagtulong ni Romualdez sa mga biktima ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon, kinilala ng mga kongresista

Pinasalamatan ng dalawang kongresista mula sa Albay si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa masigasig nitong pagtulong sa mga pamilyang naapektohan ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Sa magkahiwalay na pahayag, nagpasalamat sina Cong. Joey Salceda ng 2nd Dist. at Cong. Fernando Cabredo ng 3rd dist. kay Romualdez sa malasakit na ipinakita nito.

Una dyan nagsanib pwersa ang Speakers Office at Tingog Partylist sa pagpapadala ng tig-P500,000 cash assistance at P500,000 in-kind sa 3 distrito ng Albay.

Si Romualdez at Tingog din ang nag-ayos para magpalabas ng tig-P10-M cash sa 3-distrito ng Albay ang dswd, habang ang DOLE ay tutulong din sa ilalim ng tupad o tulong pangkabuhayan sa ating displaced workers.

Noong Lunes nagpasalamat na rin si Cong. Edcel Lagman ng 1st. dist. sa mabilis na pagdating ng tulong sa mga evacuation centers. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author