dzme1530.ph

Suspek sa bomb scare sa Zamboanga City Hall, hawak na ng pulisya

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek sa nangyaring bomb scare sa City hall ng Zamboanga kahapon.

Kinumpirma ni City Security Unit (CSU) Chief Christopher Mandi, isang  suspek ang nakuha sa pursuit operations ng Police Station 11 sa pakikiisa ng mga tauhan ng City Security.

Lumabas sa imbestigasyon na sa numero na nakarehistro sa caller ID ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) unang natanggap ang impormasyon tungkol sa bomb threat.

Hindi naman ibinunyag ang pangalan ng person of interest dahil patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Maaalalang isang bomb scare ang gumulantang sa mga empleyado ng City hall matapos makatanggap ng tawag ang CDRRMO, City Legal Office and City Mayor’s Office bago ang alas 9:00 ng umaga kahapon na siyang nagtulak sa Bomb Squad ng Zamboanga City Police Office para agad na  magsagawa ng pag inspeksyon sa buong gusali ng City Hall pero walang anumang pampasabog o bomba ang nakita. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author