dzme1530.ph

Mayon evacuees, bibigyan ng cash-for-work program ng DOLE

Bibigyan ng pansamantalang trabaho ang mga residente sa Albay na lumikas sa harap ng pag-aalboroto ng bulkang Mayon.

Ito ay matapos sabihin ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nais niyang magkaroon ng pagkaka-abalahan at pagkakakitaan ang mga nasa evacuation center.

Ayon sa Dep’t of Labor and Employment, isasama ang evacuees sa Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) program.

Sa ilalim nito, kukuha ang DOLE ng isang miyembro sa kada pamilya para mag-trabaho sa community gardening, temporary shelter maintenance, housekeeping, at paghahanda ng mga pagkain.

Maaari silang kumita ng hanggang P10,950 sa maximum na tatlumpung araw ng cash-for-work program.

Samantala, bumuo na rin ng schemes ang Dep’t of Education – Region 5 upang maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga bata kahit na sila ay nasa evacuation centers.

Ilalagay din ang temporary learning shelters sa evacuation centers sa tulong ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF). —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author