dzme1530.ph

DND Sec. Teodoro, kinilala ang serbisyo ng yumaong Rodolfo Biazon

Nagpahatid ng pakikiramay ang Armed Forces of the Philippines kasama si Sec. Gilbert Teodoro sa pamilya ng dating Senador at Heneral nasi Rodolfo Biazon kahapon.

Sa pangunguna ni Teodoro, kinilala nito ang serbisyo publiko na ginawa ni Biazon na nagsilbing AFP Chief of Staff nuong 1991, gayundin ang pagsilbi nito bilang AFP vice Shief of Staff at Commanding General ng AFP NCR command at Commandant ng Philippine Marine Corps.

Kinilala din nito ang naging ambag ni Biazon para ipaglaban ang demokrasya na patuloy ng ilang ulit itong pilit binagsak nuong panahon ng dating Pangulong Corazon Aquino.

Dagdag ni Teodoro, mananatiling inspirasyon ang ginagawa ni Biazon sa mga kapwa nito sundalo na panatiliin ang katapatan sa bansang pinaglilingkuran nito at sa mga susunod pang henerasyon. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author