dzme1530.ph

Magnolia, pinadapa ang Ginebra sa PBA On Tour

Tagumpay ang pagbabalik ni Ian Sangalang sa Magnolia makaraang tambakan ng Hotshots ang Barangay Ginebra sa score na 91-80, sa “PBA On Tour” sa Ynares Center sa Antipolo.

Naglaro si Sangalang ng 16 minuto at nakapagtala ng 4 points, 4 rebounds, at 1 assist sa kanyang pagbabalik mula nang hindi makapaglaro ng matagal sa kanilang kampanya sa PBA Governor’s Cup.

Pinangunahan ni Mark Barroca ang Hotshots sa kanyang 20 points habang nag-ambag si Jerrick Ahanmisi ng 17 points at si Jackson Corpuz ng 11 points.

Wala namang nagawa ang 22 points ni Raymond Aguilar para sa Ginebra, pati na ang 12 points ni Kim Aurin at 11 points ni Von Pessumal.

Bunsod nito, umakyat na sa apat ang panalo ng Magnolia habang nanatiling winless sa dalawang laro ang Ginebra. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author