Dadalo si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pangunahing aktibidad ngayong araw ng Lunes, Hunyo 12, para sa pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Mamayang alas-8 ng umaga ay pangungunahan ng Pangulo ang flag raising ceremony sa Luneta Park sa Maynila.
Bukod dito, mag-aalay din ang Pangulo ng wreath o bulaklak sa Monumento ni Dr. Jose Rizal.
Kasunod nito ay magtutungo ang Chief Executive sa Quirino Grandstand para sa Araw ng Kalayaan Grand Parade.
Samantala, mamayang alas-5 ng hapon ay balik-Malacañang ang Pangulo para sa 2023 Independence Day Vin D’ Honneur. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News