dzme1530.ph

Ilang kinatawan ng mababang kapulungan, kinilala ang kahusayan ni Speaker Martin Romualdez

Tatlong kinatawan mula sa Mindanao ang hayagang nagpakita ng pagkilala sa magaling na pamumuno ni Speaker Martin Romualdez.

Laking pasasalamat ni Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen Zamora kay Speaker dahil isang text at tawag lang ay agad nagpadala ng tulong at personal na ayuda ang liderato ng Kamara nang maapektuhan ang kanilang lalawigan ng mga serye ng lindol at maging pagbaha.

Si Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel D. Almario, ay nagsabing napakapalad niya bilang bahagi ng 19th Congress sa liderato ni Romualdez dahil hindi lamang produktibo ang pamumuno nito kundi parehas sa kanilang kapuwa mambabatas.

Maging si House Committee on Dangerous Drugs at Surigao del Norte Representative Ace Barbers ay nagkomento rin hinggil sa performance ni Romualdez.

Aniya, walang duda na magtutuloy-tuloy ang magandang performance ng Kamara de Representantes dahil nailatag na ni Speaker Romualdez ang pundasyon ng 19th Congress na nagresulta sa magandang ipinakita ng mababang kapulungan.  —sa panulat ni Ronnie Ramos

 

 

About The Author