dzme1530.ph

PNP, hiniling sa mga mga raliyista na ‘wag mambato ng pintura sa SONA

Nanawagan ang Philippine National Police PGen. Benjamin Acorda Jr. sa mga raliyista na huwag ng mamato ng pintura o magdala ng pintura para ihagis sa mga pulis.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Acorda, pagkawalan ng respeto ang paghahagis ng pintura sa mga nagpapahayag ng damdamin o nagpoprotesta partikular sa darating na State of Nation Address ni Pang. Bongbong Marcos Jr. sa Hulyo 24.

Masasabi na aniya itong kalabisan dahil hindi lang dagdag gastos ito sa mga pulis na bumili pa ng bagong uniporme.

Sinabi rin ni Acorda, na papayagan naman  ang mga magpoprotesta pero nasa mga designated na lugar at kung saan sila pahintulutan ng alkalde.

Isang briefing na rin ang isinagawa ng PNP para ipaalala sa mga pulis ang patakaran ng human rights at maximum tolerance. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author