dzme1530.ph

PNP mahigpit na minomonitor ang private armed group at criminal gang ngayon papalapit ang BSK Election

Mahigpit na mino-monitor ng Philippine National Police ang mga threat groups gaya ng private armed groups at  criminal gangs.

Sa isinagawang command conference, pinulong ni PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda Jr., ang mga regional director at unit heads para magbaba ng direktiba hinggil sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Isa na dito ang armed groups at loose firearms na gamit nila sa mga krimen.

Base sa datos ng PNP, nasa halos 19,000 police at military personnel ang hindi pa nakakapag-renew ng kanilang lisensya ng baril.

Samantala, sinabi rin ni Acorda na pinapa-account niya ang mga most wanted person lalo na ang mga sangkot sa murder at iba pang karumaldumal na krimen.

Sa pamamagitan nito ay mas madaling matutukoy ang areas of concern na siya namang tatalakayin nila sa mga susunod na joint meetings kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Commission on Elections (COMELEC). —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author