dzme1530.ph

Sen. dela Rosa, aminadong ‘di palaging nakasusunod sa proper decorum sa mga pagdinig sa Senado

Aminado si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na isa siya sa mga senador na guilty sa hindi pagsunod sa decorum sa Senate hearings.

Una rito, ipinag-utos ni Senate President Juan Miguel Zubiri na reviewhin ang proper decorum ng mga Senador kasunod ng pagpuna ng publiko sa pagsusuklay ng bigote ni Senator Robin Padilla at ang pagsasalita ng hindi maganda at pagmumura ng ilang mambabatas mga pagdinig.

Ayon kay dela Rosa, isa siya sa mga senador na nakakapagsalita ng hindi kaaya-aya sa pagdinig at aminado siya sa sarili na ‘very unparliamentary’ ito.

Nilinaw naman ng senador na hindi ito sadya at kapag nasa gitna ng matinding emosyon at pagtatalo sa mga committee hearings ay nakakapagsalita sila ng hindi maganda.

May ilan din aniyang senador ang mas mabigat pa ang nabibitawang salita pero ito ay dahil sa tindi ng emosyon ay hindi masisi na nadadala sila sa mga nagaganap.

Subalit dapat aniya na matuto ang mga senador na paalalahanan ang mga sarili sa tamang asal at kilos at ang mga ganitong paalala ay magsisilbi namang learning process sa kanilang mga senador. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author