dzme1530.ph

15 Pinoy sa Kuwait, sugatan matapos araruhin ng isang SUV

Aabot sa 15 siklistang Pinoy ang sugatan matapos ma-a-raro ng isang SUV sa Kuwait.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Ma. Teresita Daza, siyam sa mga ito ang nakalabas na sa ospital habang nananatili sa pagamutan ang iba pa kabilang ang isang biktima na nagtamo ng head trauma, multiple abrasion at brain hemorrhage.

Ayon sa ulat, nasa bike lane ang nasa 60 miyembro na kasama sa bikers group kung saan tatlumpu rito’y mga Pinoy nang masagasaan ang mga biktima ng SUV na minamaneho ng isang menor de edad.

Sa ngayon,  Hawak na ng pulisya ang tumakas na suspek habang patuloy na inaalam ng mga otoridad kung aksidente o sinadya ang pagkakabundol sa mga biktimang Pinoy. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author