dzme1530.ph

Halos 300 katao sa Green Island sa Roxas, Palawan, maagang inilikas bago ang pagdating ng Super Typhoon Mawar sa bansa

Inilikas na ang nasa 81 pamilya o katumbas ng 283 indibidwal sa Green Island sa Roxas, Palawan bilang paghahanda sa papasok na Super Typhoon Mawar sa bansa.

Ayon kay Dennis Sabando, Alkalde sa nasabing bayan, desisyon mismo ng mga nasabing residente ang magsagawa ng pre-emptive evacuation dahil ayaw ng mga ito na maulit muli ang sinapit na pananalasa ng Bagyong Odette noong 2021.

Sa ngayon, inaasahang madadagdagan pa ang mga lilikas na residente sa naturang lugar. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author