dzme1530.ph

PBBM, tiniyak ang patuloy na pagsasaayos sa Marawi City kasabay ng ika-6 anibersaryo ng Marawi Siege

Nangako si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagsasaayos sa Marawi City.

Ito ay kasabay ng ika-6 na anibersaryo ng Marawi Siege.

Sa Facebook post, ipinagmalaki ng Pangulo ang inilaang P1-B para sa mga biktima ng digmaan na nawalan ng tirahan at ari-arian.

Tiniyak ni Marcos na hindi kinakalimutan ng gobyerno ang kapakanan ng mga taga-Marawi.

Mababatid na tumagal ng limang buwan ang bakbakan sa Marawi matapos itong kubkubin ng Islamic Terrorists noong May 23, 2017.

Binigyan diin naman ng Pangulo na kapit-bisig silang magsusumikap para sa pag-usbong ng isang mas matatag na Marawi City.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author