dzme1530.ph

NORTH KOREAN LEADER KIM JONG UN, TUMAWID SA BAGONG TULAY SA CHINA

Loading

Bumisita si North Korean leader Kim Jong Un sa Chinese border city ng Dandong, kung saan tumawid ito sa bagong bukas na tulay na isang simbolikong hakbang ng lumalawak na ugnayan ng Pyongyang at Beijing.
 
Si Kim ay sinamahan ng fourth-highest-ranked official ng China na si Wang Huning, na nag-abot ng pagbati mula kay Chinese President Xi Jinping.
 
Dumating si Kim sa Dandong sa pamamagitan ng New Yalu River Bridge na nag-uugnay sa North Korea at China.
 
Inaasahang makatutulong ang bagong tulay sa pagbiyahe ng heavy equipment, raw materials at energy products na kailangan ng North Korea para sa development.

About The Author