dzme1530.ph

PINAY TENNIS STAR ALEX EALA, UUSAD SA PAN PACIFIC OPEN ROUND OF 16 MATAPOS ILAMPASO SI MIKA STOJSAVLJEVIC

Loading

Nilampaso ni Filipina tennis ace Alex Eala si Mika Stojsavljevic ng Great Britain, 6-1, 6-2, sa Toray Pan Pacific Open Round of 32 sa Japan.
 
Ang 21-year-old Pinay na 8th seed sa tournament ay nagpakita ng impresibong performance laban sa British wildcard, sa match na tumagal lamang ng isang oras at labinlimang minuto.
 
Sunod na makakalaban ni Eala sa Round of 16 si World No. 28 Talia Gibson ng Australia na tumalo kay Daria Kasatkina sa kanilang first-round affair.
 
Samantala, hindi na maglalaro si Eala sa doubles matapos mag-withdraw ang kanyang partner na si Desirae Krawczyk ng US, bunsod ng back issue.

About The Author