dzme1530.ph

DDEU office ng NPD sa Caloocan, pinaulanan ng bala at hinagisan ng bomba kaninang umaga

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang naganap na karahasan sa opisina ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District sa Barangay 14, Caloocan City kaninang madaling-araw.

Ito’y kasunod nang pagpapaulan ng bala at paghagis ng granada ng tatlong nakatakas at hindi pa nakikilalang mga salarin.

Ayon sa hepe ng DDEU, siniguro muna nilang wala ng sasabog na bomba bago lumabas ng opisina.

Wala namang nasaktan na operatiba o residenteng naninirahan malapit sa lugar ngunit may mga sasakyang nadamay sa naganap na pagsabog.

About The Author