dzme1530.ph

5 Pinoy kasama sa nawawala mula sa tumaob na Chinese fishing vessel sa Indian Ocean —Chinese Embassy

Kinumpirma ng Chinese Embassy na may 5 Pinoy na kasama sa mga nawawalang crew member na tumaob na Chinese fishing vessel sa Indian Ocean.

Ayon sa Chinese Embassy, 39 na manlalayag ang napaulat na nawawala mula sa tumaob na Chinese fishing vessel, na Lu Peng Yuan Yu 028 kabilang ang 17 Chinese Nationals at 5 Pinoy.

Sinabi ng Chinese Embassy na ipinag-utos na ni Chinese President Xi Jinping ang pagpapadala ng karagdagang rescue forces at humingi na na rin ng tulong mula sa international maritime search and rescue para sa paghahanap sa mga nawawalang crew member.

Dumating na rin ang dalawang Chinese vessel sa karagatan malapit sa huling lokasyon ng tumaob na vessel para magsagawa ng imbestigasyon at search and rescue operations.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Chinese Embassy sa DFA, PCG at iba pang concerned agencies kaugnay sa nangyaring insidente. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author